Isang magsasaka ang iniulat na nasawi habang hindi bababa sa 1,600 pamilya ang apektado sa malawakang pagbaha sa 11 barangay sa Eastern Samar dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Kinilala ang nasawing magsasaka na si Elpedio Zacate na nalunod sa baha sa Barangay Mantang, Taft.

Sa ulat ni Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council head Gaspar Yuhan, kabilang sa labing-isang barangay na apektado ng baha ay ang Barangay Mabuhay, na 255 pamilya ang apektado; sa Danao, 125; Bangdo, 120; Malinao, 228; Del Remedios 151; San Pablo, 174; Binaluan, 186; Lumatud, 167; Pangabutang, 93; Gayam, 98 at Beto, 97.