1 preso namamatay kada araw sa Bilibid

arrested-timbog-arestado-002

Isang bilanggo ang namamatay sa loob ng isang araw sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang sinabi ni NBP Hospital chief Dr. Henry Fabro hinggil sa kalagayan ng mga bilanggo sa NBP nang makapanayam ng mga reporter sa isang public health forum na ginanap sa Makati

Aniya, pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga preso ay sakit sa puso, stroke at chronic kidney disease.

Inilarawan pa ni Fabro ang kalagayan ng mga bilanggo sa NBP na nasa ‘critical’ na umano.

Ayon sa kanya, may limang doktor lang sa NBP Hospital na bahagi ng 13 miyembro ng medical staff ng Bureau of Corrections sa buong bansa at mayroon namang 40 nurse na tumutulong sa kanila. (PNA/Armida Rico)