Nasakote ang isang puganteng preso ng Marawi City Jail na hinihinalang miyembro ng Maute Group.
Kinilala ang puganteng si Muhamad Laguindab Hadji na nalambat sa isang checkpoint noong Biyernes sa Iligan City at may kinakaharap na kasong carnapping at ngayon ay nakadetine sa Iligan City reformatory detention center.
Samantala, tatlo katao naman na pawang mga sugatan ang iniimbestigahan na ng pulisya matapos masakote.
Nagduda umano ang pulisya sa tatlong nadakip dahil sa paiba-ibang pahayag habang iniimbestigahan.
Mahigpit namang itinanggi ng tatlo na kabilang sila sa Maute group.