Isa na ang nasawi habang nananatili pa sa iba’t ibang ospital ang 19 na katao makaraang masunog ang katawan nang sumabog ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Pasig City, kamakalawa ng madaling-araw.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasig kinilala ang nasa­wing biktima na si William Khey, 39, may-asawa, supervisor ng OMNI Gas Corporation.

Si Khey ay nagtamo ng 80-90% na pagkakasunog ng katawan ay nalagutan ng hininga dakong alas-10:00 ng gabi sa St. Lukes Hospital.

Magugunitang naganap ang insidente dakong ala-1:06 ng madaling-araw sa Omni Gas Corporation, na nagre-refill ng mga LPG tanks, sa Sandoval Street sa Barangay San Miguel, Pasig City.