1 sa tandem tumimbuwang

Nasawi ang isa sa da­lawang riding-in-tandem matapos barilin ng nagpapatrulyang pulis-Maynila kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang nasawing suspek na nasa edad 43-48, may taas 5’4-5’7, katamtaman ang panga­ngatawan, kayumanggi, nakasuot ng kulay asul na T-shirt, maong pants at maraming tattoo sa iba’t ibang parte ng katawan na dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).

Naganap umano ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue at sa pagitan ng Bambang at Quiricada Sts., Tondo, Maynila.

Nagpapatrulya umano sina PO1 Ricardo Tudla at PO1 Ivan Logarta sa lugar dahil sa umano’y report na holdapan nang duma­ting ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo pero walang helmet dahilan para parahin ito ng mga pulis nang biglang bumunot ng baril dahilan para gantihan nila ng putok.