Patay ang isang dalawang buwang sanggol at tatlong taong gulang na paslit matapos tupukin ng apoy ang isang residential area sa Sitio Hillside, Brgy. Talamban sa Cebu City kahapon ng umaga.

Narekober ng mga bumbero ang sunog na katawan ng dalawang biktima na kinilalang sina Bryle Cedric, dalawang buwan at Terrence John, tatlong taong gulang sa naabong bahay.

Ayon sa mga imbestigador, naiwang natutulog ang dalawang paslit sa kanilang kuwarto sa ikalawang­ palapag ng bahay dahil may susunduin sa eskwela­han ang lola ng mga biktima habang nasa trabaho naman ang ina ng magkapatid na si Kimberly Llorag nang sumiklab ang sunog.

Dalawampung bahay na pawang mga gawa sa concrete at light materials ang natupok sa sunog na idineklarang umabot sa Task Force Alpha.