Hindi nagkaamuyan ang puwersa ng Philippine Army at mga mi­yembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang mauwi sa engkuwentro ang paghaharap ng mga ito na ikinasawi pa ng isa sa San Francisco, Quezon.

Sa ulat, nagkatagpo ang squad ng army at Cafgu sa Sityo Matingam-Tingam, Brgy. Casay dakong alas-sais nang umaga.

Inakala ng magkabilang grupo na magkalaban ang isa’t isa kaya nauwi sa palitan ng putok.

Sa bugso ng putukan na tumagal ng ilang minuto, tinamaan sa katawan ang miyembro ng army na si PFC Arvin Peñaredonda.

Sinubukan pa itong dalhin sa pagamutan su­balit hindi na umabot nang buhay.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mi­litar sa kung saan nagkulang ang magkabilan panig, para maparusahan ang may sala. (Ronilo Dagos)