Hindi lamang traffic lights ang hindi iginalang ng mga motorista lalo na ang mga pampasaherong sasakyan kundi pati ang mga pedestrian lane kaya nais ng isang mambabatas na bigatan na ang parusa sa mga ito.
Sa ilalim ng House Bill 2101 na inakda ni Pasay City Rep. Emi Calixto-Rubiano, isang buwan hanggang isang taong kulong bukod sa multa mula P1,000 hanggang P5,000 ang nais nitong iparusa sa mga hindi gumagalang sa mga pedestrian lane.
Ayon sa mambabatas, ginawa ang mga pedestrian lane para tawiran ng mga tao at kasama ito sa mga traffic rules subalit hindi umano ito naipapatupad nang maayos dahil kahit may tumatawid ay hindi pa rin humihinto ang mga sasakyan.
“A cursory research of our traffic laws and regulations reveals that said law focus greatly on motorist, placing pedestrians on the sidelines. This bill therefore, seeks to address the seeming neglect of the right of pedestrians in our traffic laws thereby ensuring their protection and safety,” ayon sa panukala ni Rubiano.
sino naman manghuhuli mga enforcer hindi iniintindi mga lumalabag kasi bisi sila sa pag aasikaso ng trapic,kadalasang lumalabag dito mga nagmomotor gusto laging nauuna sila…
Ang babaw ng parusa! Dapat ipag multa ng at least 3 Libong Piso at pagkakulong ng 1 hangang tatlong buwan. Kapag nakamatay, bilango habang buhay!