Patay ang isang hinihinalang drug personality sa buy-bust operation na isinagawa ng magkasanib na pwersa ng Los Baños Municipal Police Station (MPS) at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) sa Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna kamakalawa ng gabi.
Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Sonny na ideneklarang dead-on-the-spot matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.
Sa report ng Los Baños Police, dakong alas-otso ng gabi ng isagawa ang operasyon subalit bigla na lamang nagbunot ng kalibre .38 baril ang suspek ng makahalata na isang miyembro ng PAIDSOTG ang kanyang buyer.
Napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad at natadtad ng tama ang suspek.