Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis­ sa bansa na epektibo ngayong umaga (Enero 10).

Sabay-sabay na nag-anunsyo ang tatlong kumpan­ya ng langis na Eastern Petroleum, PTT at Sea Oil ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa anunsyo sinabi ng nasabing mga kumpanya ng langis ang dagdag na P0.10 sentimos kada litro sa diesel at bawas presyo naman sa kerosene na P0.15.

Ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng sea oil ay epektibo ng alas-12:01 ng hatinggabi, samantalang alas-sais naman ng umaga sa PTT at Eastern Petroleum.

Ito ang pangalawang pagtaas sa presyo ng krudo ngayong buwan.

Inaasahan namang magpapatupad din ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis kabilang na ang ­tinaguriang Big 3.