10-anyos na-preggy ng school driver

By Armida Rico

Sa kulungan ang bagsak ng isang barangay Volunteer makaraang ilang ulit nitong gahasain hanggang sa mabuntis ang isang elementary student sa Las Piñas City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Las Piñas City Police ang suspek na si Richard Garcia y Matarong, 40-anyos, barangay volunteer at pedicab driver, nakatira sa Brgy. CAA ng nasabing lunsod at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Statutory Rape) at RA 7610.

Sa report ni P/Col. Simran Gand, hepe ng Las Piñas City Police, alas-singko ng madaling-araw nang maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. CAA ng nasabing lungsod.

Itoy base na rin sa reklamo ng ina ng bata hinggil sa umano’y makailang ulit na panghahalay hanggang sa mabuntis ang biktima na itinago sa pangalan ‘Liberty’, 10-anyos.

Batay sa reklamo ng ina ng biktima, nabisto lamang ang sinapit ng anak nang mapansing hindi na ito dinadatnan ng buwanang dalaw kasabay ng paglaki ng tiyan nito.

Nang kausapin ang anak ay mahigpit siyang niyakap at umiyak ng umiyak
Sabay sumbong sa ginawang panghahalay sa kanya ni Garcia simula pa noong buwan ng Enero gamit ang service na pedicab na panghatid-sundo sa eskuwela.
Agad namang nagsumbong ang ginang sa pulisya na naging dahilan ng pagkakaaresto sa suspek.