10 arestado sa pot session

arrested-jail

Nasa 10 mga katao ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kabilang ang dalawang umano’y notorious na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation, kung saan ay naaktuhan pa ang iba sa mga ito sa pot session sa Lungsod ng Valenzuela kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Valenzuela City Police – Drug Enforcement Unit ay ganap umanong alas-otso pasado ng gabi nang una silang sumulong sa Pridel Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod at naaresto sina Aldrian Ba­culbas; alyas Aldrin, 32; Jerome Diaz, 28; Jimlito Limpangog, 50; James Aldric Caparas, 19; at isang 17-anyos na lalaki.

Bago iyon, nagsagawa muna ng buy-bust operation ang pulisya kung saan ay target na maaresto si Baculbas na isa umanong notorious na tulak sa lugar. Nang kumagat si Baculbas sa pain ay nakipagkita ito sa tirahan niya at nang magkapalitan ng marked money at in-order na shabu ng police poseur buyer ay doon na siya dinakma ng mga awtoridad.

Agad hinalughog ang bahay at nahuli ang lima pang kasamahan ni Baculbas sa pot session.

Ganap namang alas-9:15 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Community Precinct VIII sa may Diego Street, Barangay Mapulang Lupa ang mga suspek na sina Danilo Martin, alyas Dan-Dan, 33; Marino Lacaden, 53; Alma Regala, 29; at Armando Bayudan, 59-anyos.