Sampung armadong terorista ang patay nang mamataan ng tropa ng pamahalaan na nagtatangkang makapasok sa main battle area sa Marawi City kahapon ng madaling-araw sa Lake Ranao.
Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), sakay ng dalawang motorbanca ang mga hinihnalang terorista nang makasagupa ng militar sa Lake Ranao.
Bandang alas-dos ng madaling-araw nang magsimula ang engkuwentro na tumagal ng tatlong oras na nagresulta sa pagkamatay ng sampung kalaban.
Lima lamang na bangkay sa 10 napatay ang narekober.
Ang pagkamatay ng 10 terorista ayon kay Galvez ay magsisilbi nang leksyon sa mga terorista na nagtatangkang pumasok o lumabas sa lungsod ng Marawi.