10 babae na-rescue sa prostitusyon

Sampung babae na edad 22 hanggang 32-anyos ang nasagip ng mga operatiba ng Crimi­nal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga human trafficker­ sa Mabolo, Iloilo City Biyernes ng gabi.

Base sa report, sinabi ni Police Maj. James Allen Dogao ng CIDG-Iloilo City, na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga babaeng ibinubugaw sa naturang lugar at ibinebenta ang mga babae sa halagang P1,500 kada isa.

Dahil dito, agad silang nagsagawa ng ope­rasyon na nagresulta sa pagkaka-rescue sa mga babae at naaresto naman ang dalawang­ bugaw diumano ng mga ito na kinilalang sina Jimmy Cuarte, 56, at Ramil Dequina, 24.

Dinala ang mga nasagip na babae sa Department of Social Welfare and Development habang ang dalawang suspek ay nakakulong na sa CIDG-Iloilo City at nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. (Vick Aquino)