Umabot sa sampung bandido ang napapatay habang walo naman ang sugatan sa naganap na sagupaan sa Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc, bandang alas-6:30 ng umaga, nakatakda sanang isilbi ng ilang miyembro ng mga pulis kasama ang tropa ng 33rd Infantry Battalion ang warrant of arrest laban sa ilang miyembro ng lawless elements sa Sitio Mantisao, Bual Village, Sultan Kudarat pero pinagbabaril sila na nagresulta sa pagtimbuwang ng sampu sa mga ito.

Arestado din ang isang bandido na kinilalang si Abdul Magid Logioman alyas ‘Black Moro’, 41.

Isang sundalo naman ang sugatan na kinilalang si Sgt. David Desidario ng Division Recon Company.