10 huli sa illegal gambling

arrested

Sampung katao ang dinakip ng mga tauhan ng Taguig City Police sa magkakahiwalay na a­nti-illegal gambling opera tions kahapon ng umaga.

Alas-10:00 ng umaga nang madakip ng mga pulis ang tatlong lalaking nagka-cara y cruz sa Pulong Kendi II, Brgy. Sta. Ana, ng nasabing lungsod.

Unang nahuli ang mga suspek na sina Aristotle Cruz, 38, driver; Rey M­ichael, 29 binata at Malven Habulan, 42, labo­rer, pawang nakatira sa nabanggit na lugar.

Sinundan ito ng paghuli sa tupadahan kina James Clemente, binata; Elpidio Balagbag, 57 at Salvador Caranto, 42, miyembro ng Traffic Management Office ng Taguig City, pa­wang taga Cruz-Tipaz, Taguig City at apat na iba pa sa cara y cruz.