10 lane toll proposal sa Edsa isinumite ng SMC

Pormal nang isinumite ng San Miguel Corporation (SMC) sa Department of Transportation (DOTr) ang kanilang proposal na magtayo ng 10 lane toll road sa EDSA.

Ayon sa SMC naisumite na nila ang kanilang unsolicited proposal at ang requirements para planong paglalagay ng 10-lane expressway sa itaas ng EDSA.

Ibinunyag ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon Ang, na ang plano ay noon pang Setyembre naikasa kung saan magtatayo ng mga bagong kalsada mula Macapagal Avenue sa Pasay City hanggang Balintawak, Quezon City.

Tatapusin umano ang konstruksiyon ng mga bagong kalsada sa loob ng 24 hanggang 30 buwan.

Nabatid na makakatulong umano ito para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Itutulad umano ang mga nabanggit na expressway sa Japan at maninjngil ng P150-P200.

Nalaman na ang SMC ay nakapagsumite na ng ilang unsolicited infrastructure project­s sa gobyerno, kabilang ang matatapos ng Skyway Stage 3, na layunin makatulong na mabawasan ang pagsisilip ng daloy ng trapiko sa Edsa. (Juliet de Loza-Cudia)