Inaasahang papangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw mula ngayon hanggang sa kanyang pagbabalik sa bansa ang mga narco-politicians na sangkot sa iligal na droga kung saan 10 mayor at vice-mayor sa Central Luzon kabilang ang Bulacan ang nasa listahan ng mga local chief executives na sabit sa pagtutulak, gumagamit at protektor ng droga.
Sa kauna-unahang pagbisita ni PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa kamakalawa ng hapon sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City, naging mainit ang pagtanggap sa kanya ngunit hindi nito binanggit ang tungkol sa mga alkalde at bise-alkaldeng nasa listahan ng bagong isisiwalat ng Presidente na nasa Central Luzon.
Gayunpaman, tila ipinahiwatig ng PNP Chief na hayaan nang sa mismong Pangulo manggaling ang mga narco-politicians sa Region 3 na nasasangkot at protektor ng droga.