10 player ng GSW batak sa finals, Toronto 4 lang

10 player ng GSW batak sa finals, Toronto 4 lang

Bukod sa one-on-one matchups ng Golden State Warriors at Toronto Raptors, may ilang ‘di agad nakikitang bagay na magiging malaki ang papel sa NBA Finals.

Mga intangible.

May 10 players ang Warriors na nakapag­laro na ng combined 140 games sa finals. Ang Raptors, apat ang may combined 38 finals games.

Wala pa roon ang 49 finals games ni Golden State coach Steve Kerr (27 bilang player, 22 bilang coach). Ang counterpart niya sa Toronto na si Nick Nurse, bagito sa salitang bagito – first-year coach sa NBA.

First time sa Finals ng Raptors, huling pagkakataon ng Warriors sa Oakland. Mula Oracle Arena, lilipat na ang Golden State sa Chase Center tapos ng 73rd o 2018-19 season.

Kapag nagsimula ang Finals, 24 araw na sapul nang huling matalo ang Warriors: May 6, Game 4 ng West semis kontra Houston. At paglipat ng serye sa Oakland sa June 5, magiging 20 araw na silang walang home game.

Naipanalo ng Toronto ang regular-season series 2-0, bago ‘yun ay 16-2 ang Golden State sa Raptors.

Game 1 sa Biyernes (araw sa Manila) sa Toronto.

Ang ulat na ito ay halaw mula sa The ­Associated Press. (VE)