Todas ang isang lalaki matapos siyang tarakan ng 10 pulgadang patalim sa lalamuhan ng kanyang kumpare sa Barangay Calepaan, Asingan, Pangasi­nan nitong Martes nang hapon.

Kinilala ni Police Regional Office-(PRO-1) public information officer Police Lt. Col. Mary Crystal B. Peralta ang biktimang si Rolito A. Tacson, nasa hustong edad, ng Zone 4 ng nasabing barangay.

Ang suspek naman ay nakilalang si George E. Langit alyas Ellat, kumpare at kapitbahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-12:50 nang tanghali sa harap ng bahay ng biktima.

Nag-uusap umano ang biktima at suspek nang humantong sa hindi pagkakaunawaan at nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ilang saglit lang ay kumuha ng kutsil­yo ang suspek at walang sabi-sabing tinarak sa lalamunan ng biktima bago mabilis na tumakas.
Isinugod naman si Tacson sa ospital ngunit idineklara nang dead-on-arrival. (Allan Bergonia)