10 season sa Warriors: Curry may pinagsisihan

10 season sa Warriors: Curry may pinagsisihan

May isang pinagsisihan si Steph Curry sa 10 seasons niya sa Golden State Warriors.

‘Yun ang isang play sa Game 7 ng 2016 NBA Finals.

May 5 minutes pa sa fourth quarter ng laro kontra Cleveland Cavaliers, lamang ang Warriors 87-86.

Binababa ni Curry ang bola, binubulabog ni Kyrie Irving.

Umaktong aatake si Curry bago pinakawalan ang kinaliwang behind-the-back pass na para sana kay Klay Thompson. Pero kabyos ang pasa, naiba ang direksiyon at lumabas nang hindi nahawakan ni Thompson.

Natalo ang Golden­ State 92-89 sa larong ‘yun, at inagaw ng Cavaliers ang titulo. Kinumpleto nina LeBron James, Irving at ng Cavs ang ahon mula 3-1 deficit para sikwatin ang champion­ship.

Error na hindi makakalimutan ni Curry.

“The only regret I do have is the behind-the-back pass I threw in 2016 in Game 7,” ani Curry kay Sopan Deb ng New York Times. “That’s lite­rally the only regret I have in terms of how I’ve played, and that comes with wins and losses, right? I’m cool.”

Sa final minute ng parehong game, sablay ang tira ni Curry na nagtabla sana sa laro sa 92. (VE)