10-taon kulong sa Pinay na sabit sa Islamic State

Hinatulan kahapon ng Kuwaiti court ang isang Pinay ng sampung taong pagkakabilanggo sa kasong pakikilahok sa Islamic State (IS) at pagpaplano umano para sa mga pag-atake.

Ang kautusan ay hindi pa pinal at may kaakibat na utos na ipa-deport ang 32-anyos na Pinay pagkatapos nitong mapagsilbihan ang hatol.

Nauna rito, naaresto ang Pinay noong buwan ng Agosto, dalawang buwan matapos siyang dumating sa Kuwait para magtrabaho bilang domestic helper.

Umamin umano ang Pinay na miyembro siya ng Islamic State at nagpaplano sila ng terrorist attacks sa emirate.

Sinabi rin umano ng Pinay sa mga interrogators na ang kanyang asawa ay isang active fighter ng IS sa Libya at ito ang nagpapunta sa kanya sa Kuwait.