Kumpiyansa si ACTS-OFW Rep. Aniceto John Bertiz III na walang haharang sa inihain niyang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagsusulong ng pagpapalawig sa 10 taon ng validity ng pasaporte mula sa kasalukuyang limang taon.

“This is a simple piece of legislation that offers tremendous benefits to all citizens especially our millions of modern-day heroes,” pagbibi­gay-diin ni Bertiz kaya pursigido itong isulong ang panukala.

Binanggit pa ng solon na hindi mahihirapang mailusot ang kanyang panukala dahil isa ito sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) na bibigyang prayoridad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sakaling maisabatas ay milyung-milyong Pinoy, ayon sa mambabatas na dating overseas Fili­pino worker (OFW), ang makikinabang sa kanyang panukalang pag-amiyenda sa Passport Act.

Ang mahabang validity ng pasaporte, ayon pa sa kongresista, ay matagal ng ipinatutupad sa ibang mga bansa gaya ng Estados Unidos, United Kingdom, New Zealand at Australia kaya marapat lamang na ipatupad na rin sa Pilipinas.

Ang pagpapalawig sa validity ng pasaporte sa Kamara ay mayroon nang kahalintulad na panukala sa Senado na inihain naman ni Senator Cynthia Villar.

5 Responses

  1. At sana ibalik na rin sa MIA ung airport natin at palitan ung lintek na NAIA na yan… puro karma lang ang inabot ng paliparan natin mula nang binago ng mga Aquino yan!!!

    1. Di tumakbo kang congressman, at mag file ka ng resolusyon para palitan ng MIA ang NAIA. Fyi, di ang mga Aquino ang nagpalit, ang mga congressman at seconded ng Senator. Hahahha hanggang ngayon ba may election hangover ka pa din. Nanalo na idol nating si Digong, ikaw nga ni tatay digong sa kanyang sona, past is past. Move on ka na kingsmen