Darating sa Pilipinas­ sa November ang isang high-level business ­dele­gation mula sa Spain upang tingnan kung saan puwedeng mag-invest partikular sa Mindanao.

Hopefully ay hindi­ lang ang pagpapasok­ ng capital sa bansa­ ang maging­ resulta ng pagbisita­ ng Spanish dele­gation, bagkus ay magkaroon sana ng pagpaparami­ ng job opportunities para sa ­OFWs sa Spain.

Just the same, kung makaka-generate ng maraming patrabaho­ sa bansa ang pagpasok­ ng foreign investors, mas marami sa mga kababaya­n natin ang hindi na mag-a-abroad para kumita.

Good news

Kamakailan ay nagpahayag ang Hong Kong ng pagtaas ng suweldo ng foreign domestic helpers doon.

Well, may magandang balita coming from Taiwan naman — ang pagtataa­s ng 5 percent sa ­suweldo ng lahat ng OFWs­ simula sa January 1, 2017.

Ang development ay ibinalita ng Manila Economic and Cultural Office­ (MECO) sa okasyon ng 105th National Day ­Reception of Taiwan na ginanap sa Hotel Sofitel.

P1,500 dagdag

Ang increase ay resulta­ ng isinagawang pag-aaral ng Minimum Wage Review Committee­ ng Ministry of Labor ng Taiwan.

Sa kasalukuyan ay NT$20,008 o P30,771 ang minimum wage sa Taiwan. Ito ay itataas sa NT$21,009 o mas malaki ng NT$1,001 o katumba­s ng P1,500 na pagtaas ­kada buwan.

For sure ay may magsasabi na hindi naman malaki ang P1,500 na itataas sa suweldo ng ­OFWs na minimum wage earner sa Taiwan. Eh pero mabuti na rin ‘yan kaysa wala, hindi ba?

10 years

May proposal sa House of Representatives na i-extend sa 10 ­taon ang validity ng ­Philippine passports mula sa kasalukuyang validity na limang taon.

Ito ay pabor daw sa mga OFW na naha-hassle­ sa pagpapa-renew ng pasa­porte lalo na kung nasa kalagitnaan ng ­pagtatrabaho.

Actually, mahaba na rin ang 5-year validity­ ng Philippine passports,­ considering na half ­decade ang renewal na kailangang­ gawin ng passport holder.

Tatagal?

Isa pa, may tatagal kayang pasaporte sa loob ng 10 taon kung wear and tear ang pag-uusapan. Isa pa, hindi ba in 10 years time ay baka hindi na ninyo kamukha ang picture n’yo sa inyong pasaporte?

Come follow Me On Twitter @beeslist o ­tumawag sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com kung may komento o ipinagsisintir.