100 bagitong immigration officer, bibinyagan

naia

Mapapasabak na sa trabaho ang 100 bagong Immigration Officer (IO) na katatapos lamang sumailalim sa training.

Magiging bahagi sila ng personnel ng  Bureau of Immigration  (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para tumulong sa pagproseso ng mga travel documents ng mga parating at paalis na pasahero sa immigration counters ng apat na  international passenger terminal para matugunan ang pagdagsa ng mga  pasahero  na uuwi ngayong undas.

Ayon kay Marc Red Marinas, NAIA chief BI border officer, ang mga bagitong IO ay hinugot pa sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  ng ahensiya at itatalaga silang  immigration officers upang tumulong  sa pagproseso ng travel documents at para maiwasan ang mahabang pila sa immigration counters.

“Two hundred more men will be on a standby. This is to prevent long lines at immigration booths because we’re expecting the number of air travelers increase this year,” ani Marinas.

Inatasan ni Marinas ang TCEU supervisors na ihanda ang kanyang mga tauhan para sa ‘holiday exodus.