Tukaan na sa second 3-cock elims ng P3.5-million “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” ngayong alas-4:00 ng hapon sa 10,000-seat, air-conditioned Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City.

Panibagong grupo ng sultador ang mga magsa­sagupa kaya lampas 100 entry na agad ang naitala sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon, derby host.

Sumabak ang 55 entries sa 83 sultada sa opening round noong Huwebes at tatlo ang mga nagposte tigatlong panalo upang paghatian ang P100,000 day prize.

Puwede pang sumali sa 3-cock elims sa Peb. 21, 28, Mar. 7 at 14 na may P100,000 per day sa mga three pointer. Bitaw ang 2-cock finals sa Mar. 21 (sa mga makaka-1, 1.5, 2 at 2.5 points na may P300,000 sa champions; at Mar. 28 sa mga makaka-3 pts. lang.

Itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet, P5,500. At sa mga detalye pa, kontakin ang tanggapan ng Roligon o sina Tiling Capitan at Shirley sa 519-7345, 0920-9509 090 at 0926-7134 069.