100 nasampulan sa maingay na tambutso sa Gapo

Mahigit isandaang motorsiklo at sasakyan ang nasampulan sa pinaigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa maiingay na tambutso sa lungsod ng Olongapo kahapon.

Multang aabot sa P2,000 at pagkaka-impound ng kanilang mga sasakyan ang nakasaad sa umiiral na City Ordinance No. 36, series of 2016 na mahigpit na ipinatutupad ng mga tauhan ng Olongapo Traffic Management and Public Safety (OTMPS).

Matatandaang sunud-sunod na reklamo ang ipinarating ng mga residente ng lungsod sa mga motorista na gumagamit ng ‘open pipe muffler’ na lubhang nakapaingay.

Kabilang din sa mga natiketan na mga driver ay walang lisensya, ‘di rehistradong motor at walang suot na helmet.