Nawalan ng tirahan ang may 100 pamilya matapos na sumiklab ang isang sunog, sa may Gate 10 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog dakong alas-10:45 kahapon ng umaga na umabot sa ika-apat na alarma at idineklarang fire-out dakong ala-1:19 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MFD nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag na bahay na pag-aari ni Joel Acontillado sa may 227 Area B Gate 10 Parola Compound, Tondo.

Walang iniulat na nasugatan o nasawi sa nabanggit na sunog na mabilis na kumalat dahil karamihan ng bahay ay yari sa mga light material.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy. (Juliet de Loza-Cudia)