100 pasahero naipit sa Samar

Naipit sa ilang pantalan ang halos isandaang pasahero sa probinsiya ng Northern Samar dulot na rin ng Bagyong Ambo.

Sa nakalap na report sa Philippine Coast Guard (PCG- Northern Samar) natengga ang mga pasahero matapos ikansela ang biyahe sa mga pantalan sa naturang probinsiya mga bandang alas-11:00 ng tanghali kahapon.

Nananatili pa ang mga pasahero sa naturang mga pantalan kung saan habang sinusulat ito ay wala pang kaliwanagan kung kailan tatanggalin ang suspension sa mga biyahe.

Maliban pa sa 86 stranded na mga pasahero ay ipit din ang 44 na rolling cargoes.