100 sako ng kemikal nasabat sa Butuan

Tinatayang 100 sako ng kemikal ang nasa kustodiya ngayon ng Philippine Ports Authority (PPA) Butuan matapos ipuslit mula sa barkong dumaong sa pantalan ng Brgy. Lumbucan, Butuan City.

Napag-alamang isang impormante ang nagsuplong sa Butuan City Police Station 3 kaugnay sa kemikal na ikinarga ng barko kahit na wala itong idineklarang may-ari.

Ang saku-sakong mono ammonium phosphate na semi-refined wax ay isinilid sa container van.

Sa inisyal na imbestigasyon, dadalhin sana sa Talacogon, Agusan del Sur ang mga kemikal pero walang consignee kaya’t inalam pa ngayon ng pulisya kung ano ang gagamitan nito.