DAHIL maraming blind items tungkol sa kabadingan nitong guwapong singer/actor, namamalisya­han siya tuloy kapag may kasama itong guwapong lalaki.

Nu’ng nakaraang weekend lang ay rumampa si guwapong singer/actor sa isang fashion show ng sikat na designer.

Siya ang escort ng isang beauty queen na nanalo sa isang international­ beauty competition.

“I missed mode­ling!” sabi niya sa ilang nagtatanong sa kanya sa backstage kung kakanta ba ito sa fashion show.

Pagkatapos ng show, nakita si singer/actor na may kasamang guwapong model.

Hindi sinabi ng ­aming source na karelasyon ni singer/actor ang guwapong model.

Pero namamalisyahan sila dahil sa naririnig nila tungkol dito.

Ang alam kasi nila ay dyowa ito ng sikat na hunk actor, pero hindi na yata sila nga­yon.

Kaya malay mo, malay ko, malay natin… may 100 subo si singer-actor para kay pogilicious model.

Lollipop Party, anyone?