Garantisadong P5M ang premyo, mababang P11,000 entry fee, P5,500 minimum bet at ay tsansang makilala sa bigtime sabong.
Ito ang panghatak ng “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby”, inaasahang hahakot ng 400 entries at sisimulan sa June 6 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.
“May 100 sultada ang sigurado sa June 6, puwede na pong magpareserba ng cockhouse,” wika kahapon ni Tiling Capitan ng Roligon na nakasuporta kay RMC CEO Dennis Ligon.
May bonus na P100,000 day prize (hati-hati) para sa three pointers sa 3-cock elims sa June 6, 13, 20 at 27; at July 4, 11, 18 at 25.
Ang 2-cock finals ay sa Aug. 1 para 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers at Aug. 8 para sa 3 pts.
Magsusubi rin ang champion handler ng P100,000 at gaffer ng P70,000. May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.
“Those who will score three wins in the elims need two more victories to bag the championship. Insurance fights are also possible,” ani host Ligon.
Sa detalye pa, makipag-ugnayan opisina ng RMC, at kina Shirley at Capitan Tiling sa 519-7345, 0920-9509090, at 0926-7134069. (Enjel Manato)