100 sultada sa Pitmasters Live

Malakasang 4-stag derby na may 70 sultada at karagdagang 100 sagupaan sa Pitmasters Live ang inaasahan sa fully air-conditioned Las Pinas Coliseum mamaya.

Ikinabit na ang 12 Pitmasters Live kiosks sa LPC para sa mga gustong makibahagi sa naturang side event.

Pasabong ng Bos Rox group ito na may P11,000 entry fee at guaranteed cash prize na P300, 000.

Magandang follow up ito sa “Alexander 4-Stag Derby” nitong Oct.16 na pinagkampeonan nina Engr. Joel Gabriel ng Watik Watik, Jojo Marquez ng Silver Mallet at Obet Bello/Jethro ng Storm Jethro.

Handog naman ng Cavite Las Pinas Gamefowl Breeders Association (CLPGBA) ang 3-stag elims ng Digmaan 11-Stag Derby sa Nov. 6 at ang 3-stag elims din ng National Bakbakan follows sa Nov. 9.

Makakabatid ng iba pang mga detelye kina Grace 1 sa 873 1040, 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455 at Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)