100 sultada sa ‘SEGBA United 6-Stag Derby’ — Jayson Padilla

Huling stagfest na sa Metro Manila ang inaasahang darayuhin sa Pasay City Cockpit, ang ‘SEGBA United 6-Stag Derby’ na may higit 100 sultada ngayong alas-2 nang hapon.

Kasali rito ang mga miyembro ng Seaman Gamefowl Breeders Association (SEGBA) at OFW cockers sa pagtataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Magarang tropeo at P750,000 cash prize ang naghihintay sa mga winner.

Ayon kay SEGBA President Jayson Padilla, isasagupa rito ang mga stag mula sa FIGBA Bakbakan, PFGB Digmaan, NBA Salpukan at SEGBA.

Buwena-mano ng Pasay Cockpit para sa 2020 cock season ang ‘Lucas 4-Cock Derby’ sa Jan. 10 ng Lucas group at may suporta ni PCC llamador Jerald Picazo.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)