Inanunsyo ng Okada Manila ang pagsibak sa mahigit 1,000 empleyado nito dahil na rin sa pagkalugi simula nang ipatupad ang lockdown para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Pilipinas.
Sa kanyang liham na may petsang Mayo 26 sa mga empleyado ng nasabing casino resort and hotel complex na matatagpuan sa Parañaque City, sinabi ni Okada Manila Takasahi Oya na kinakailangan nilang ipatupad ang retrenchment program bilang paghahanda na rin sa new normal kung saan “smaller workforce” na lang ang kailangan nila.
“Not having any revenues since the lockdown has been financially
draining and caused severe losses to the Company, and if this is not
address, its losses will pile up,” paliwanag pa ni Oya sa kanyang mensahe sa mga empleyado ng Okada Manila.
“Okada Manila is also constrained to change the way it does business, which means it will just require a smaller workforce. For it to remain a viable business, it will have to let go of more than 1,000 employees,” ayon kay Oya.
Ipinahayag ni Oya ang pagsibak sa mahigit 1,000 empleyado makalipas lamang ang isang buwan matapos na boluntaryong magbawas ng kanilang suweldo ang mga senior executive ng Okada Manila para sa workforce fund.
Matatandaan sa kanyang naunang liham sa kanilang mga empleyado ay positibo pa si Oya na mananatili ang mga ito sa trabaho kapag bumalik na sa operasyon ang kompanya.
“I would like to assure you that your jobs will be here once we all go back to Okada Manila,” mensahe ni Oya sa kanilang mga kawani,
Magsisimula umanong mag-isyu ng notice of termination ang Okada Manila sa Hunyo 15 at bibigyan din ng separation pay ang masisibak na mga empleyado batay sa itinakda ng batas.
Nagpasalamat din si Oya sa mga empleyado na mapapabilang sa mga matatanggal sa trabaho dahil sa kanilang naging ambag para sa Okada Manila.
Okada Manila ang una sa malalaking private casino sa Pilipinas na nag-report ng malakihang sibakan sa hanay ng kanilang mga empleyado. Pinatatakbo ito ng Tiger Resort, Leisure and Entertainment Inc., isang subsidiary ng Japanese conglomerate Universal Entertainment Corp.