10,000 bilanggo pinalaya sa pandemic

Aabot sa may 10,000 preso ang pinayagan ng Supreme Court (SC) na makalaya para mabawasan ang mga bilanggo kasunod nang nararanasang COVID-19 crisis sa mga bilangguan.

Ayon kay SC Associate Justice Mario Victor Leonen , ito ay kasunod nang ipinalabas na SC circular na nag- aatas na paliitin ang piyansa sa mga bilanggo na mahihirap.

“The court is very much aware of the congested situation in our prisons,”kasunod ng pahayag ni Leonen na umabot sa 9,731 inmates ang napalaya.

Nabatid na maraming piitan sa bansa ang siksikan at imposibleng masunod ang social distancing sa pagitan ng inmates at mga jail personnel.

Nalaman na naging problema ang overcrowding sa mga bilangguan matapos na ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang drug crackdown noong 2016.

Kabilang na rin sa nagkaroon ng kaso ng COVID19 sa Quezon City Jail kung saan ilang inmate ang napaulat na natutulog na sa open-air basketball courts at hagdanan.

Ang pimakamaraming kaso naman ng virus ay naitala sa Cebu City Jail kung saan may 348 inmate sa may 8,000 bilanggo ang dinapuan ng virus.

Nabatid na ang outbreak ng virus ay naging dahilan para ibaba ang piyansa sa mga mahihirap na inmate.(Juliet de Loza-Cudia)