Hanggang September 6 na lang ng taong kasalukuyan ang ibinigay na taning sa mahigit 100,000 na sinasabing ‘delinquent employers’ para ayusin ang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP) sa Social Security System (SSS).

Batay sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, nagpatupad ang ahensiya ng CPCP sa loob ng anim na buwan epektibo simula pa noong Marso 2019.

“Instead of waiting for the last day, we strongly urge all delinquent employers to immediately apply for the condonation program to settle the unpaid premiums of their employees and have the incurred penalties waived. You have until September 6 to avail of the program and bring back your records to good standing,” giit ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Nabatid na mula Hulyo, ang SSS ay nakakolekta ng P795.97 milyon ‘unpaid premiums’ mula sa 31,774 employers na mabebenepisyuhan ng 307,578 empleyado. Ang pondo ng pensiyon ay napatawad ng P1.67 bilyon halaga ng mga ‘penalties.

“Only a few weeks are left before the deadline, yet more than 70% of delinquent emplo­yers who have not yet availed of the CPCP. We are urging employers to take advantage of this big opportunity to avoid facing criminal liabi­lity and help their employees claim the benefits due to them without any delay. Employers have the option to pay their unpaid contributions in full amount or through installment payment with only 6% interest per year,” dagdag ni SSS chief.

Kasabay nito ay binalaan ng SSS ang mga employers na hindi tutugon at lalabag sa SS Act of 2018 na sila ay sapilitang pagbabayarin ng ‘corresponding penalties’ at maaari pang makulong ng anim hanggang 12 taon, at pagmumultahin ng P5,000 hanggang P20,000.

(Dolly Cabreza)