Pac-Floyd 2 sa Saudi
Patok ngayon at matunog ang kumakalat na balitang matutuloy na ang matagal ng nilulutong rematch nina undefeated champion Floyd Mayweather Jr. ng Estados Unidos kontra kay Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.
Ayon sa mga ulat, pursigido nang balikang muli ni Mayweather si Sen. Pacquiao na kadiriwang lang ayng kanyang 41st birthday nitong December 17.
Maraming beses na ring nagpahiwatig ang American boxer ng kanyang comeback kung saan target niya sa pagbabalik mula sa pagreretiro sa boxing ring ang Pambansang Kamao.
Sakaling mapursige ang rematch na #MayPac2, ito ang magiging ikalawang pagtutuos nina Pacman at Moneyman at umuugong na sa taong 2020 ito magaganap.
Dahil rin sa kasalukuyan ay may on-hold pa na deal ang fighting senator kontra kina Mickey at Danny Garcia na mga kalahi ni Mayweather.
Dahil sa mainit-init at nakatakdang bangasan ng mukha ng Pinoy boxing legend at Pretty Boy ay posibleng mahigitan na naman ang limpak-limpak nilang kinitang $50M noong 2015 sa unang bakbakan sa Las Vegas kung saan kontrobersyang nanalo sa unanimous decision ang Kano.
Umaalingawngaw rin na nakatakdang kumita si Mayweather sa Pac-Floyd 2 ng $100M, samantalang si Pacman ay $50M. (Aivan Denzel Episcope)