Pinaghahanap ngayon ng Cavite Police ang 25-anyos na caretaker sa isang tindahan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na tuma­ngay umano sa higit P100,000 na pinagbentahan nito sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Ryan Flores, 25, stay-in sa City Homes Resortville R Brgy. Langkaas 2, dahil sa reklamo ni Rodolfo Mallorca, 56, isang negosyante ng Brgy. San Agustin 3 Dasmariñas City, Cavite.

Sa reklamo ni Mallorca sa pulisya, dakong alas-9:30 Martes ng umaga nang nagsagawa ito ng imbentaryo sa kanyang tindahan at nadiskubre na nawawala ang tinatayang P103,380 halaga ng benta.
Lumayas din ang suspek na nagsisilbing caretaker sa tindahan matapos ang insidente.

Nabatid naman na ang suspek ay may dati nang naisampang kasong Qualified Theft noong Nobyembre 18, 2018 sa Dasmariñas City Prosecutors Office.