Si Ailyn Acojedo ay isang 20 years old na tubong Cebu na kandidata sa Turismo Filipina 2018. Ai ang palayaw niya at ang kanyang vital statistics ay 34-25-34.
Siya ay nasa pangangalaga ng Light Of Life Talent Management Incorporated.
Sa kasalukuyan, siya ay sumasabak na rin sa pagiging talent sa ilang telersye.
“I am doing acting for 1 year 6 months untill now. I have small appearances on teleseryes with and without lines,” aniya.
Aminado si Ai na pangarap niyang maging isang artista someday.
“Pangarap ko pong maging artista balang araw, kaya ko po pinasok ang industriya ng pag-arte. I know that this is really my passion and this is what my heart wants to do.
“Even though I experienced a lot of rejections, problems at may mga tao ding pilit kang binababa. Thanks to them because it molds and enhance me to be a strong and better person,” sambit pa ng dalaga. (Nonie Nicasio)
Coach B, Bren maghaharap sa hard court
Ni: Roldan Castro
Hahamunin ni Coach B (John Arcilla) si Bren (Migo Adecer) sa isang one-on-one basketball game sa pag-asang mapasali na ito sa Team Puzakal ngayong Linggo (Nov. 25) sa first Filipino anime series na “Barangay 143.”
Ayon sa kondisyong inihain ni Coach B sa deal na alok kay Bren, oras na matalo niya ang binata ay maglalaro ito sa Puzakal sa loob ng isang season. Kapag natalo naman ay hindi na niya ito gagambalaing muli.
Sino ang mananalo sa laban? Magiging bagong kapitan na ba ng Puzakal si Bren? Paano ito tatanggapin ni Vicky?
Pakatutukan ang first Filipino anime series na “Barangay 143,” tuwing Linggo, 10 AM sa GMA. (Roldan Castro)