Mga bagong bandila ng Pilipinas ang makikita sa buwan ng Mayo bilang bahagi ng selebrasyon ng Natio­nal Heritage Month.

Sinabi ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante, 10,000 mga lumang watawat na ginagamit ngayon sa buong bansa ang nakatakdang palitan bago sumapit ang buwan ng Mayo.

Ayon kay Escalante, mayroong kasunduan sa pagitan ng NHCP, Philippine National Police (PNP), DILG at A­yala Foundation na ipamahagi ang mga bagong watawat sa mga public elementary school sa buong bansa.

Ayon kay Escalante, napansin nila na walang masyadong pondo ang Department of Education (DepEd) upang palitan ang mga lumang watawat kaya dumulog sila sa non-government organization.

“We have noticed that DepEd doesn’t have that much fund to replace the old and worn out flags, so we asked the help of the Ayala Foundation,” ani Escalante.

Sa May 28 ipagdiriwang ang Flag Day, na sasabayan ng isang aktibidad sa Imus, Cavite upang alalahanin ang Battle of Alapan. (Aileen Taliping)