11-anyos tsinupa, beki dinampot

Nalansi sa pera ng isang umano’y bading na delivery boy ang 11-anyos na batang lalaki ang pagnanais na himasin at i-oral sex ang maselang bahagi ng katawan ng bata sa Makati City kamakalawa nang gabi.

Sa detention cell ng Makati City Police Station ang bagsak ng suspek na si Jean Thompson Claude, 21, taga-4214 Ponte St., Brgy. Tejeros ng nasabing lungsod makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Bantay Bayan.

Sa report ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-11:00 ng gabi nang himukin ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang ‘Junjun’ na sumama sa kanya sa kanyang tirahan dahil bibigyan niya ang bata ng mala­king halaga ng pera.

Sa pag-aakalang totoo ang pangako ng suspek ay sumama si Junjun subalit nagulat na lamang siya nang atasan siyang hubarin ang suot na damit bago hinimas ang kanyang pagkalalaki hanggang gawan siya ng oral sex.

Pag-uwi ay agad isinumbong ni Junjun sa ina ang sinapit kaya dalawa silang nagtungo sa barangay hall at naghain ng reklamo.

Agad namang kumilos at pinuntahan nina Barangay Bantay-Bayan Herbert Dela Cruz at Jomar Hiles ang suspek sa kanyang bahay na ikinaresto nito. ­

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Makati City Prosecutor’s Office.