11 arestado sa anti-drug ops sa Bulacan

Labing-isang katao na sangkot sa droga ang naaresto ng kapulisan sa pitong magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa apat na bayan at isang siyudad ng Bulacan kamakalawa.

Sa report ni Bulacan police director Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., nakakulong na ngayon ang 11 suspek na nakorner sa mga buy-bust operation sa mga bayan ng Baliuag, Pandi, Balagtas, San Ildefonso at San Jose del Monte City.

Kabilang sa mga naaresto sina Ernesto Gabriel, AbiĀ­gail Aspiras, David Dacanay, Cristina Bersabe, Joan Andrade sa Baliuag; Anthony Molano, Julius Geloa at Ronnie David sa Pandi; Leanito Repana sa Balagtas; Jose Francisco sa San Ildefonso; at Saymon Andales sa San Jose del Monte City.

Nakumpiska rin sa anti-drug operation ang 25 pakete ng droga, dalawang pakete ng marijuana, improvised bladed weapon at mga drug paraphernalias.