Nailigtas ng Gonzales Police Station (GPS) ang 11 kababaihan sa ikinasang entrapment opeĀ­ration sa isang KTV bar na pugad ng prostitusyon sa bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Lunes.

Ayon sa GPS intelligence unit, ang mga babae ay ibinebenta sa halagang P1,500 bawat isa para sa panandaliang aliw sa mga kliyente ng KTV bar sa Brgy. Smart sa nasabing bayan.

Matapos malaman ang iligal na aktibidad ng nasabing bar, agad na nagkasa ng entrapment operation at inaresto si Lerma Sumajit, 47, makaraang tumamggap ng P3,000 marked money sa dalawang pulis cover agent.

Dito na-rescue ang mga babae na biktima ng white slavery trade at nakumpiska rin sa suspek ang mahigit na P20,000 na bahagi ng kita ng bar.

Nakakulong si Sumajit sa GPS jail at kasalukuyang nasa pangangalaga ng lokal na Department of Social Welfare and Development ang mga babae. (Allan Bergonia)