11 opisyal ng TESDA nireklamo sa PACC

Makaraang akusahan ang 11 opisyales ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng katiwalian sa Ombudsman, tikom ngayon ang bibig at hindi umano mahagilap si TESDA Specialist II Armina Flora Tayko-Villanueva makaraang diumano’y makatanggap ng mga death threat.

Noong Marso 5 ay dumulog sa Ombudsman si Villanueva bitbit ang resulta ng imbestigasyon ng TESDA board kaugnay sa umano’y iregularidad sa bidding ng Starter Toolkits on Special Training for Employment Program (STEP) ng ahensiya na nagkakahalaga ng mahigit 1.4 bilyong piso.

Pinangalanan sa reklamo ang mga kapwa empleyado niya sa TESDA na umano’y nagmanipula sa bidding upang paboran ang kanilang sariling contractor.

Paglabag sa probisyon ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang nasabing aksyon.

Sa panayam kay TESDA Board Member Atty. Mamarico Sansorona noong Disyembre 2018, sinabi ni Villa­nueva na inilantad lahat ni Mamarico ang natuklasan ng TESDA board na katiwalian.

Pinalabas umano na hindi ligal ang paggawad ng kontrata sa nanalong contractor gayong ayos ang mga papeles nito at sumunod sa mga patakaran ng TESDA.

Pinaporan din ng grupo ang ACMI na mga dating miyembro ng TESDA bids and awards committee sa bisa ng TESDA Order No. 24 series of 2018 na nilagdaan.

Nauna nang nabulgar ang katiwalian ng mga opisyal nang imbestigahan ni dating TESDA director General Guilis Mamondiong.

Dumulog na sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacañang si Villanueva at nangako umano si PACC chair Dante Jimenez na magsasagawa sila ng mga imbestigasyon hinggil dito. (Armida Rico)