11 Pinoy na ang positibo sa COVID-19 sa Diamond Princess cruise ship

Umaabot na sa 11 Pili­pino ang naka-qua­rantine sa Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama sa Japan ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa inilabas na statement nitong Huwebes ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga Pilipino na nahawaan ng COVID-19 ay kasalukuyang inoobserbahan sa mga ospital sa Tokyo.

Magugunitang u­nang napaulat na isang Pilipino crew ng barko ang nagpositibo sa nasabing virus.

“As of 13 February 2020, the total number of Filipinos who have tested positive for CO­VID-19 is 11,” batay sa update report ng DFA.

Ayon sa DFA, patuloy pa rin na nakikipag-koordinasyon ang Phi­lippine Embassy sa Tok­yo sa mga Pilipino na nasa mga ospital para sa mga pangangailangan ng mga ito.

“The Embassy, in coordination with the Japa­nese Government, is sending care packages containing toiletries and non-medical supplies to Filipinos who are in the hospital as well as those who remain on board the Diamond Princess,” ayon pa sa DFA.

“An Embassy Team also visited the hospitals this afternoon to speak with the doctors and social workers assigned to the Filipino patients in order to ensure their well-being,” paniniyak ng DFA.

Nabatid na isinailalim sa quarantine ng Japanese government ang nasabing barko makaraang isang 80-an­yos na pasahero na uma­lis mula sa Hong Kong ang nagpositibo sa virus. (Dolly Cabreza)