11 sa lamay timbog sa tong-its, pusoy-dos

Matapos maaktuhang nagsusugal sa isang lamay, diretso presinto ang 11-katao sa Sitio Quimarayan, Brgy. Caterman, Candon, Ilocos Sur, Linggo ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilala ni Lt. Col. David G. Dulnuan na sina Renato Gallo Fabros, 49; Rodel Adolfo Paa, 55; Micahel Barcena Gaoat, 43; Dax Ruiz Pangantijon, 40; Dominic Gonzalo Fabros, 53; Evelyn Efallo Fabros, 49; Rebecca Alcantara Padlan, 67, pawang residente ng naturang barangay; Rodolfo Gray Pascua, 65; Sonia Naungayan Pascua, 42; Chariza Ambatang Abaya, 33, at Melanie Fabros Galanote, 49.

Dinampot ang mga ito nang mahuli sa aktong nagsusugal sa tatlong lamesa habang nasa lamay ng isang Josephine Fabros Escalona.

Sinasabing nakabukod sa dalawang lamesa ang mga nagtotong-its habang sa isang lamesa naman nagsusugal ng ‘pusoy dos’ ang iba.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng

Apat na set ng baraha na ginamit sa pagsusugal ang nakumpiska ng pulisya bukod pa sa P5,462 cash nilang taya.