Sa pagsasabing may namamayaning “humanitarian crisis”, kinalampag ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ang gobyerno na gamitin ang lahat ng kanilang makinarya para maibalik sa bansa ang tinatayang 11,000 Filipino workers at ang kanilang pamilya na stranded nang ilang buwan sa Saudi Arabia.
Ginawa ni Escudero ang panawagan matapos maging tambay ang ilang libong overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia bunga ng “economic slowdown” dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
“The case of the reported some 11,000 Filipino workers and their families stranded for months now in Saudi Arabia should be treated as a national security issue,” giit ni Escudero.
“This is a full-blown humanitarian crisis that requires the immediate attention of the full machinery of the government,” dagdag pa ng senador.
Bagama’t pinuri ni Escudero ang naging hakbang ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang lumipad ito sa Saudi para personal na alamin ang pangangailangan ng mga stranded OFWs, hindi umano dapat ituring ang krisis na ito na “labor issue” lamang.
Hindi na umano dapat magpatumpik-tumpik ngayon ang gobyerno, ayon sa senador, bagkus ay asikasuhin ang agarang pagpapauwi sa OFWs sa Saudi at tulungan silang makuha ang unpaid wages lalo na ngayong paso na ang kanilang work permit.
Binalaan din ni Escudero ang gobyerno na huwag sisihin ang mga local recruitment agency upang ma-divert lang ang galit ng OFWs at ng kanilang pamilya sa gobyerno.
Dahan-dahan kang mag-utos Escudero. Lahat ng yan alam ng bagong Gobyerno at ginagawan ng paraan hindi tulad nung nakaraan na Administrasyon. Hirap sayo puro laway ka lang eh ang mga ninuno mo mga kawatan din.