111 sinuring tsuper walang bahid droga

Ligtas at drug free ang may 111 mga driveĀ­r ng bus at iba pang public utility vehicles (PUVs) ang isinailaim sa drug test sa Ormoc City.

Ito ay makaraang iutos ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, sa isailalim sa drug test ang lahat ng mga tsuper kung saan ay nagnegatibo naman lahat sa drug test.

Nasa 48 driver ng jeep, 11 driver ng bus, at 52 PUV driver ang sorpresang nasuri sa isinagawang random drug test sa mga terminal ng bus, van at iba pang pampublikong sasakyan sa Ormoc City.

Pinangunahan ni Ormoc City Police Office (OCPO), Philippine Drug Enforcement Agency, Land Transportation Office, Land Transportation and Franchising Regulatory Board at Highway Patrol Group ang drug test. (Vick Aquino)