Mga bagong entry ang magpapasok ng straight five cocks para sa ‘Lakpue Drug, Inc. (LDI) Pearl Cup 5-Cock Derby’ grand finals sa San Juan Coliseum (SJC) sa Miyerkoles, Enero 23.
Pagkaraan ng apat na elims sa SJC, Bacolor Cockpit Arena at Imus Sports Arena, naiposte na ang 153 entries.
Maaga ang simula ng grand finals sa Miyerkoles dahil sa inaasahang 150 sultada.
Sa Martes, Jan. 22 ang submission ng entries sa SJC office hanggang alas-nuebe nang gabi. Kontakin lamang para sa iba pang mga detalye si Michelle sa 725-5369 o 0905-2016 057.
Garantisado ang P1 milyon at 125 cc brand new motorcycle na mga papremyo. May product giveaways ng LDI at libreng dinner ang mga kalahok.
Itinakda ang entry fee sa P5,500 para sa re-entry at P11, 000 sa new entry.